Simula sa July 22 ay ipatutupad na ang smoking ban sa buong bansa ayon sa Department of Health.
Ginawa ni DOH Spokesman Eric Tayag ang paglilinaw taliwas sa mga naunang report na ngayong araw ang simula ang nationwide smoking ban.
Base sa nilalaman ng Executive Order 26 ni Pangulong Rodrigo Duterte, bawal na ang pagyo-yosi sa mga enclosed public places and public conveyances.
Sakop rin ng pagbabawal ang pagbili, pagsisindi at pagninigarilyo ng mga minor de edad.
Bawal rin sa nasabing kautusan ang paglalagay ng mga tobacco advertisements sa mga paaralan, playgrounds, at ilang mga pampublikong lugar.
Sinabi ni Tayag na bawal na rin ang pagsisindi ng yosi sa mga nagtitinda nito sa mga lansangan.
Nakalagay rin sa implementing rules and regulations ng kautusan na limitado lamang sa mga designated areas ng mga establishemento ang pagninigarilyo o yung mga designated smoking areas.