Tulong ng US at China sa Marawi, kinilala ni Duterte

Welcome kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tulong na ibinibigay ng mga bansang Estados Unidos at China sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga terorista sa Marawi City.

Dagdag pa ng pangulo, nagpahiwatig rin ang Russia ng alok na magbigay ng tulong sa gobyerno kontra mga terorista.

Sa pagharap niya sa mga turistang Filipino-American sa Davao, tiniyak ni Duterte na susunod ang bansa sa 1951 Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at ng Amerika, kahit pa tumatanggap na ito ng tulong sa iba pang mga kaalyado.

Gayunman, habang binibigyang diin niya ang tulong ng Amerika sa paglaban sa mga teroristang may kaugnayan sa Islamic State, hindi naiwasan ni Duterte na pasaringan si dating US President Barack Obama dahil sa mga kritisismo nito dati sa kampanya kontra iligal na droga.

Read more...