Ayon sa biktimang si Sulaiman Mangorsi, kalalabas lamang niya mula sa banyo at nagdesisyon nang tumabi sa kaniyang misis sa higaan.
Ngunit bigla na lang aniya siyang nakaramdam ng sakit sa kaniyang kaliwang braso dakong alas-tres ng hapon.
Kasunod nito ay bigla na aniyang namanhid ang nasabing braso at nang kaniyang silipin, doon na niya nakitang may sugat na pala siya.
Humingi ng saklolo si Mangorsi kaya agad siyang nadala sa Amai Pakpak Medical Center, kung saan kinailangan siyang operahan dahil bumaon sa kalamnan ang caliber 5.6 na balang tumama sa kaniya.
Ayon sa isang source ng Inquirer, ilang oras bago tamaan ng ligaw na bala si Mangorsi, isang sundalo rin sa isang headquarter ng military brigade sa tapat ng kapitolyo ang nasugatan din dahil sa tama ng bala.
Gayunman, hindi ito kinumpirma o itinanggi ng militar.