Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan na isailalim na ang buong lalawigan sa state of calamity dahil lubha nang apektado ang ekonomiya nila bunsod ng kawalan ng supply ng kuryente, tubig at linya ng komunikasyon.
Sa pinakahuling pahayag ni Energy Sec. Alfonso Cusi, inaasahang sa katapusan pa ng Hulyo tuluyang maibabalik sa normal ang supply ng kuryente sa buong Eastern Visayas at mga lugar na naapektuhan din ng lindol.
Gayunman, may iilang bahagi na ng Leyte ang may kuryente na, tulad ng Ormoc at Tacloban, pero makakaranas pa rin sila ng rotational brownout hangga’t hindi tuluyang naisasaayos ang supply ng kuryente.