1 aktibistang magsasaka, patay sa pag-atake sa Compostela Valley

Patay ang isang magsasakang aktibista matapos atakihin ng mga armadong kalalakihan ang kaniyang pamilya sa Compostela Valley.

Ikinasawi ni Carolina Arado ang mga tama ng bala na kaniyang natamo sa pag-atake, habang nasa kritikal na kalagayan naman ang kaniyang mister, anak na babae at dalawang apo.

Nasa loob lang ng kanilang tahanan ang buong pamilya sa Barangay Anitapan sa Mabini, nang biglang umatake ang mga armadong kalalakihan dakong alas-6:40 ng gabi.

Pawang mga aktibong miyembro ng Hugpong sa Maguuma sa Mabini o Humabin ang mga Arado.

Ito ay isang grupo ng mga progresibong magsasaka na tumututol sa pagpasok ng large-scale mining operations sa kanilang lalawigan.

Read more...