Desisyon ng Ombudsman, iaapela ni dating Pangulong Aquino

Maghahain ng apela si dating Pangulo Benigno “Noynoy” Aquino III sa resolusyon ng Office of the Ombudsman na nag-aatas ng pagsasampa ng kasong kriminal laban sa kaniya kaugnay sa Mamasapano encounter.

Sa pahayag, sinabi ni Atty. Abigail Valte, pinag-aaralan na ng kanilang legal team ang resolusyon ng Ombufdsman.

Ngayong araw lang aniya natanggap ni Aquino ang kopya ng resolusyon.

Base aniya sa paunang pag-aaral nila sa naging pasya ng Ombudsman, nagkaroon ng
misappreciation sa ilang impormasyon sa naganap na Mamasapano encounter na ikinasawi ng 44 na SAF members.

Sa naging pasya ng Ombudsman, kasong usurpation of authority at graft ang ipinasasampa laban kay Aquino.

 

Read more...