Nakatakdang career service exams sa Iligan sa August 6, sinuspinde

Sinuspinde ng Civil Service Commission (CSC) ang nakatakdang pagdaraos ng career service exams sa Iligan City sa August 6.

Ito ay dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Ayon sa abiso ng CSC, suspendido pareho ang professional at sub-professional levels ng pagsusulit.

Sa August 6 sana nakatakda ang pagsasagawa ng Career Service Examination-Pen and Paper Test (CSE-PPT) sa Iligan City Testing Center.

Aabot sa 1,00 ang nakatakda sanang kumuha ng CSE-PPT at karamihan sa kanila ay residente ng Marawi City.

Ayon sa CSC, maglalabas na lamang sila ng panibagong abiso, kung kailan muling itatakda ang pagsusulit.

 

 

 

 

Read more...