Kabilang ang isang Pinay sa apat na kababaihan na nakaduty ng 12-hours a day, seven days a week para sumaklolo sa mga babaeng mangangailangan ng tulong sa Dubai.
Ang apat na kinabibilangan ng dalawang medics at dalawang drivers ang unang batch sa inilunsad na ‘women-only pink ambulance service’.
Ayon kay Bashayer al-Rimm, emergency medical technician (EMT), dahil Arab Muslim society ang Dubai, karamihan sa mga pasyente ay nagnanais ng privacy at komportableng pakiramdam kapag sila ay mangangailangan ng emergency response.
Mas magiging kumportable aniya ang mga babaeng pasyente, kung puro babae ang tutugon sa kanilang pangangailangan.
Ang Pinay na si Maria Lagbes, na isang medic ay kabilang sa ‘Women Responders team’.
Sampung taon na ang nakararaan nang ilunsad din noon ng Dubai ang ‘Ladies and Families Taxis’ na minamaneho ng babae at layong serbisyuhan ang mga babaeng pasahero at kanilang anak.