Gandara, Western Samar, niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.9 na lindol ang bayan ng Gandara sa Western Samar.

Naganap ang pagyanig alas 7:19 ng umaga ng Biyernes.

Naitala ng Phivolcs ang lindol sa 11 kilometers East ng Gandara.

Ayon sa Phivolcs may lalim na 70 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershock.

Samantala, muling nakaranas ng aftershock ang Leyte, Biyernes ng umaga.

Naitala ng Phivolcs ang magnitude 3.0 na lindol sa 20 km East ng Ormoc City alas 7:51 ng umaga.

 

 

Read more...