Naglaan ng P637 million ang Department of Budget and Management (DBM) para sa rehabilitasyon sa mga lugar na nasalanta ng lindol sa Leyte.
Kahapon personal na binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Ormoc City para i-assess ang sitwasyon.
Kinausap din ng pangulo ang ilang biktima at tiniyak sa kanila ang tulong ng pamahalaan.
Samantala, kahapon din ay nasuplayan na ng kuryente ng NGCP ang dalawang transformer sa Ormoc Substation.
Ayon sa NGCP, naging matagumpay na ang pagkumpuni nila sa dalawang transformers Ormoc Substation matapos ang isinagawang evaluation, corrective measures at testing.
Nasa 135MW ang kapasidad na kayang i-transmit ng substation at ang suplay ay magmumula sa Cebu at sa iba pang planta ng Energy Development Corporation.
Ayon sa NGCP, ang kuryente na magmumula sa 150 MegaVolt Ampere (MVA) mula sa transformer 3 at 100MVA sa transformer 5, ay nakapaghahatid na ng partial na suplay ng kuryente sa Leyte, Samar, Biliran, at Bohol.
Sa kabila nito, partial pa lamang ang magiging restoration ng kuryente dahil hindi pa rin normal ang suplay.