Biyahe ng MRT maagang nagka-aberya

Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ng MRT ang mga pasahero.

Alas 5:14 ng umaga ng Biyernes nang itinaas ang category 3 sa status ng MRT.

Ito ay dahil sa isang tren na nakaranas ng technical problem sa bahagi ng Quezon Avenue Station southbound.

Pinababa ang mga pasahero ng nagkaproblemang tren at pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.

Kagabi nakaranas din ng aberya sa biyahe ng MRT at pinababa ang mga pasahero sa Magallanes Station southbound.

 

 

 

 

 

Read more...