Kinumpirma ni Marcos na naghain na ang kanyang kampo ng isang omnibus petition sa Korte Suprema upang hilingin dito na ipahinto ang naturang hakbang ng mga mambabatas.
Bukod dito, nais rin ng kampo ng gobernadora na ipag-utos ng Korte Suprema na agad na palayain ng Kamara ang Ilocos Six.
Giit nito, pulitika lamang ang motibo sa likod ng imbestigasyon at ginagamit lamang ng iilan ang buong Kongreso para dito.
Una rito, ipinakulong ng House committee on Good Government and Public Accountability ang anim na lokal na opisyal ng Ilocos Norte dahil sa pagtangging sumagot sa isyu ng umano’y iligal na paggamit ng nasa P66.45 miyon na tobacco fund para bumili ng mga sasakyan.
Ipinatatawag rin sa susunod na pagdinig sa July 25 si Gov. Marcos.