Pumanaw na ang pinaka-prominenteng political prisoner at Nobel Peace Prize laureate ng China na si Liu Xiaobo sa edad na 61-taong gulang.
Si Liu ay namatay Huwebes sa isang ospital sa China resulta ng multiple organ failure sanhi ng sakit nitong advanced live cancer.
Si Liu ay nakulong noong 1989 dahil sa paglahok sa pro-democracy protest noon sa Tiananmen Square kung saan daan-daang estudyante ang namatay.
Taong 2010 nang gawaran ito ng Nobel Prize habang nakakulong dahil sa kasong subversion at paggiit ng political reform sa China.
Ang naturang award ay ikinagalit ng China na naging dahilan upang patawan nito ng ‘sanctions’ ang bansang Norway kung saan nakabase ang Nobel committee.
Taong 2008 nang ico-author rin nito ang ‘Charter 08’ na isang dokumento na kumalat sa China noong 2008 na humihiling ng freedom of expression, human rights at mas malayang hudikatura sa China.