CA Presiding Justice Andres Reyes Jr., bagong SC Justice

 

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Presiding Justice Andres Reyes Jr. bilang bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Papalitan ni Andres si Associate Justice Bienvenido Reyes, na nagretiro noong July 06.

Dahil sa pagkakatalaga kay Reyes, siya na ang ika-isang daan at pitumpu’t [pitong Associate Justice ng Kataas-taasang Hukuman.

Si Reyes ay apo ni dating Supreme Court Justice Alex Reyes, at anak ni dating CA Presiding Justice Andres Reyes Sr.

Nakuha niya ang kanyang law degree sa Ateneo de Manila University, at pagkatapos ng law school ay naglingkod sa Office of the Ombudsman.

Makaraang manilbihan sa mga Metropolitan Trial Courts, itinalaga si Reyes bilang CA Associate Justice noong 1999 at na-promote bilang Presiding Justice noong 2010.

Read more...