SONA ni Pangulong Duterte, may interpreter

 

Kinumpirma ng Malacanañg na kukuha sila ng mga interpreter para sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay para matiyak na agad na maipaiintindi sa mga dayuhang bisita sa SONA sakaling magbigay ng impromptu remarks sa lokal na lenggwahe ang pangulo.

Ayon kay Communications Secretary Martin Andanar, maglalagay sila ng interpreter sa SONA na marunong mag-Bisaya at Tagalog.

Hindi aniya maiiwasan na mag-Tagalog o mag-Bisaya si Pangulong Duterte sa kanyang speech, kung kaya mas maganda kung mayroong interpreter para agad na mai-translate ang mga pahayag para maintindihan ng diplomatic corps.

Matatandaang noong nakaraang taon, hindi sinunod ng pangulo ang inihandang talumpati para sa kanyang SONA.

Sa halip, nagdagdag ng mga impromptu remarks si Duterte sa wikang Tagalog at Bisaya.

Sa ikalawang SONA ng pangulo, sinabi ni Andanar na naka-focus sa accomplishments at mga isyu na kinakaharap ng administrasyon ang nilalaman ng speech ni Duterte.

Posible aniyang talakayin ng pangulo sa SONA ang Martial Law sa Mindanao, at muling paglaganap ng iligal na droga sa Bilibid, at maging ang ‘ENDO’ at konktratuwalisasyon sa mga manggagawang Filipino.

Read more...