Ayon sa datos ng US Geological Survey, sa karagatan naitala ang pagyanig na hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala.
Sinabi ni USGS seismologist Julie Dutton, walang indikasyon na man-made ang naganap na pagyanig.
Ang mga nagdaang underground nuclear bomb tests kasi ng North Korea ay nagdudulot ng malalakas na pagyanig ng lupa.
Isang opisyal din ng Pentagon ang nagsabi na wala silang nakitang ebidensya na ang lindol ay mula sa nuclear test.
Unang iniulat ng USGS na magnitude 6.0 ang naitalang lindol pero ibinaba ito sa 5.8.
READ NEXT
Democratic Representative nagsampa ng impeachment complaint laban kay US Pres. Donald Trump
MOST READ
LATEST STORIES