Sa reklamo ni Democratic Representative Brad Sherman, nakagawa umano si Trump ng obstruction of justice nang sibakin nito si dating FBI Director James Comey habang isinasagawa ang imbestigasyon sa panghihimasok ng Russia sa US election.
Ayon kay Sherman, sapat na ang nasabing paglabag ni Trump para maisailalim ito sa impeachment trial at kalaunan ay matanggal sa pwesto.
Sa ilalim ng konstitusyon sa Amerika, pinapayagan ang paghahain ng impeachment kung ang opisyal ay nakagawa ng treason, bribery, o iba pang mas mataasna krimen.
Ang articles of impeachment na inihain ni Sherman ay kinakailangang maipasa sa botohan para umusad.
Sa ngayon tanging si Democrat – Texas Representative Al Green pa lamang ang nagpahayag ng pagsuporta sa impeachment proceedings.