Ayon kay Captain Alexander Cabales, tagapagsalita ng 10th Infantry Division, rumesponde ang militar sa ulat na balak umano ng rebeldeng grupo na magsagawa ng tactical offensive laban sa pamahalaan bago ang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 24.
Gayunman, pagdating ng mga sundalo, agad nang nakipagbakbakan ang rebeldeng grupo.
Naisugod pa sa ospital ang hindi pinangalanang sundalo subalit binawian din ng buhay.
Narekober sa lugar ang walong bangkay ng rebelde, limang M16 armalite rifles at isang M60 machine gun.
MOST READ
LATEST STORIES