Pulis, dinukot sa Compostela Valley

 

Dinukot ng mga NPA na nagpakilalang sundalo si PO1 Alfredo Basabic Jr. sa isang liblib na lugar sa Compostela Valley.

Ayon kay Chief Superintendent Manuel Gaerlan, hepe ng Southern Mindanao Police, dinukot si Basabic habang ito ay pauwi sa kanyang bahay sa Davao City, matapos ang kanyang duty sa bayan ng Cateel, Davao Oriental.

Ayon naman kay Senior Inspector Catherine dela Rey, tagapagsalita ng Southern Mindanao Police, nagtayo ng checkpoint sa Kilometer 26 ang mga NPA na pawang nakasuot ng uniporme ng sundalo.

Pinara ng mga rebelde ang Mallen Trans bus na sinasakyan ni Basabic at saka pinababa ang mga pasahero nito.
Doon na nila dinukot ang pulis.

Kasalukuyan nang tinutunton ng mga pulis ang kinalalagyan ni Basabic.

Read more...