Mga kontrabandong cellphone, ipapakain sa mga drug inmates ni Duterte

Dumalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa 26th anniversary ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, sa AFP theater sa Camp Aguinaldo, Quezon City.

Dumating din ang iba pang miyembro ng gabinete na sila Defense Sec. Delfin Lorenzana, Justice Sec. Vitaliano Aguirre at PNP Chief Bato dela Rosa.

Sa kanyang talumpati, ipinangako nito sa harap ng mga opisyal at tauhan ng BJMP na maglulunsad ng mas malakas na reporma para sa mga piitan sa buong bansa.

Tatapusin muna raw niya ang krisis sa Marawi City, kung saan patuloy ang bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute terror group.

Nangako pa ang punong ehekutibo ng salary hike para sa mga taga-BJMP, kaya naman naghiwayan at nagpalakpakan ang mga opisyal at personnel ng ahensya.

Nagbabala naman si Duterte na lalakas muli ang operasyon ng ilegal na droga sa mga kulungan, kapag nakapasok ang mga cellphone.

Banat ni Duterte, bahala na raw kung paano mawawala ang mga cellphone, kainin man o lutuin, basta dapat daw ay wala na siyang makita.

Read more...