2 sundalo patay sa sumablay na airstrike sa Marawi City

Inquirer file photo

Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang labingisang iba pa matapos magsagawa ng airstrike ang militar sa Marawi City kaninang alas-dose ng tanghali.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo, nagmintis ang airstrike.

Nabatid na 250 meters off target ang bomba at tumama sa kalapit na gusali.

Agad na gumuho ang gusali dahilan para aksidenteng mataaman ng malalaking tipak ng semento ang mga sudalo.

Sinabi ni Arevalo na labis na ikinalungkot ng AFP ang naturang insidente.

Matatandaaang kamakailan lamang nagmintis na rin ang air strike ng militar dahilan para masawi ang sampung sundalo.

Idinagdag pa ng opisyal na bumuo na ng grupo ang AFP para imbestigahan ang nasabing pangyayari.

Read more...