Banta sa SONA ng pangulo kinumpirma ng Kamara

Inquirer file photo

Dalawang linggo bago ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, kinumpirma ni House Sgt-at-arms Retired general Roland Detabali na mayroong banta ng seguridad sa nasabing araw.

Ayon kay Detabali, hindi naman seryoso ang nasabing banta dahil galing lamang ito sa mga grupong nais manggulo.

Gayuman, hindi binabalewala ng opisyal ang banta dahil lahat ng posibilidad ay ikinukunsidera sapagkat maging sa ibang bansa nga anya ay nalulusutan ang mahigpit na secrutiy plans.

Posible rin ayon kay Detabali na magsagawa ng pananabotahe ang mga nasagasaan ng pangulo sa kanyang kampanya kontra sa iligal na droga.

Bukod pa rito ang ISIS-inspired Maute terror group na nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City.

Kaugnay nito magpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa loob at labas ng Batasang Pambansa kung saan masaraming security forces ang ipapakalat.

Sa katunayan, simula pa lamang araw ng Biyernes, July 21 ay magpapatupad na sila ng mas pinaigting na seguridad at masusing iinspeksyunin ang mga papasok at mga kagamitan na dadalhin sa Batasan Complex.

Sa mismong araw ng SONA ay iyun lamang may kaukulang mga accreditation I.D at imbitasyon ang makakapasok sa Batasan Complex.

Read more...