Napabilang ang wikang Filipino sa listahan ng pinaka-ginagamit na dayuhang salita sa mga estado sa Amerika.
Ito ay batay sa isinagawang pag-aaral ng 24/7 Wall St.
Sa nasabing pag-aaral, nakasaad na batay umano sa US Census Bureau, nasa listahan ang wikang Filipino.
Nangunguna naman ang wikang Spanish sa mga lenggwahe na pinaka-ginagamit sa Amerika.
Kabilang din sa naturang listahan ang ang Chinese, Filipino, Vietnamese, French, Arabic, Korean at German.
Lumabas sa pag-aaral na sa bawat estado sa Amerika, ang wikang Tagalog ang pinakag-ginagamit sa mga tahanan sa California, Nevada, at Washington.
Samantala, ang wikang Ilocano naman ang madalas na ginagamit na salita sa Hawaii.
MOST READ
LATEST STORIES