5 ang patay sa drug operation sa Cotabato

FILE PHOTO/Erwin Aguilon

Patay ang limang pinaghihinalaang drug suspect matapos silang manlaban sa mga pulis sa anti-drug operation sa Sitio Sugod, Brgy. Kayaga, Kabacan Cotabato.

Ayon kay Supt. Romeo Galgo, tagapagsalita ng PNP-Central Mindanao, nakilala ang mga napatay na sina Kurin Acoy alyas Butterfly, isang alyas Gardo, alyas Roland, alyas Ali at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nabatid na maghahain sana ng search warrant ang mga pulis laban kay Acoy nang biglang manlaban ang mga suspek.

Wala namang naiulat na nasugatan o nasawi sa mga pulis.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang kalibre 45 na baril, dalawang kalibre 38, at dalawang hand grenade.

 

 

 

Read more...