Gayunman, sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, abogado ni Robredo, walang ibinigay na eksaktong petsa ang PET kung hanggang kailan ang ekstensiyon.
Pero hihilingin umano nila sa PET na payagan sila na palawigin ang ektensiyon hanggang sa matapos ang recount sa unang tatlong mga probinsiya na nais ni Marcos na unang mabilang.
Ang mga lalawigan na nais ng kampo ni Marcos na dapat magkaroon ng unang bugso ng recount ay ang Lanao del Sur, Basilan at Maguindanao.
Kapag ang resulta, ayon kay Macalintal sa mga naturang lalawigan ay paborable kay Marcos ay saka sila magbabayad ng kabuuan sa naturang halaga, pero kung hindi naman ay di na rin sila magbabayad sa dahilang ibabasura lamang ang protesta.
June 29, 2016 nang maghain ng poll protest si Marcos sa paniwalang nandaya ang kampo ni Robredo sa automated elections noong May 9 nang nakaraang taon.