Ito ang pahayag ng Pope Francis sa isang Apostolic Letter.
Aniya, ang pagbubuwis ng buhay ay pagpapakita ng “charity, true, full and exemplary imitation of Christ.”
Ayon sa official journal ng Vatican na Osservatore Romano, maging ang mga Kristyanong nag-alaga ng may-sakit dahil sa plague at namatay dito ay maaari ding maging kandidato para sa beatification.
Maging si Chiara Corbella ng Italy ay maaari ding ma-beatify, matapos nitong tanggihan ang treatment para sa kanyang skin cancer habang siya ay buntis, dahil maaari itong ikamatay ng kanyang anak na nasa sinapupunan pa lamang.
Namatay si Crobella noong 2012, halos isang taon matapos niyang manganak, dahil masyado nang malala ang kanyang cancer at hindi na umepekto sa kaniya ang gamot.
Sa sulat ng Santo Papa, sinabi nito na ang mga Kristyanong piniling isakripisyo ang kanilang buhay para sa iba ay tunay na kahanga-hanga dahil boluntaryo nilang tinanggap ang “martyrdom of blood” o ipinamalas nila ang mga Christian virtues “to a heroic degree.”
Pagdadagdag pa sa liham ni Pope Francis, upang maging kandidato para sa beatification, ang mga Kristyanong nagbuwis ng kanilang buhay ay kailangan pa ring magkaroon ng milagro matapos ang kanilang kamatayan.
Ang naunang tatlong paraan upang ma-beatify ay kung ang Kristyano ay martir, namuhay nang may heroic values, at mayroong saintly reputation.