Ito ay matapos ang pag-amin ng kalihim na totoong may nagaganap na cartelization na nagiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng bawang.
Sinabi ni Piñol na ang mga garlic importers na sakop ng blacklist ay mayroong mga import permits pero natuklasan nilang hindi naman nag-aangkat.
Ani Piñol, noong Mayo, pinuna nila ang mga importers dahil nasa P200 na ang presyo ng kada kilo ng bawang noon.
Matapos nilang tawagin ang pansin ng importers ay unti-unti namang bumaba ang presyo ng bawang hanggang sa P120 kada kilo.
Giit ni Piñol, patunay lang ito na kinakamada ng kartel ang presyo at suplay ng bawang sa bansa.
Dinipensahan naman ni Piñol si Bureau of Plant Industry Director Vivencio Mamaril na nagisa nang husto sa isinagawang pagdinig sa Senado, matapos masermunan ni Senator Cynthia Villar.
Aniya personal niyang kakilala si Mamaril at alam niyang malinis at tapat itong naglilingkod.