Nakaranas ng aberya an biyahe ng Light Rail Transit line 1.
Pinababa ang mga pasahero ng tren sa UN Avenue Station sa Maynila, makaraang makaamoy umano sila ng usok pasado alas 10:00 ng umaga.
Sinasabing problema sa preno ang naging dahilan ng aberya.
Para matiyak ang kaligtasan, inilipat na lamang sa ibang tren ang mga apektadong pasahero.
Makalipas naman ang ilang minuto ay naibalik na sa normal ang biyahe ng mga tren.
Ang LRT line 1 ay may biyaheng Baclaran to Roosevelt at pabalik.
READ NEXT
Eroplano ng Cebu Pacific na pabalik sana ng Pilipinas galing Vietnam, nakitaan ng technical problem
MOST READ
LATEST STORIES