Nakaranas ng technical problem ang isang eroplano ng Cebu Pacific na pabalik ng Pilipinas galing sa Vietnam.
Sa abiso ng Cebu Pacific, kinansela ang flight 5J572 mula Ho Chi Minh to Manila matapos na makataan ng technical problem ang eroplano sa isinagawang pre-flight inspection.
Kaninang ala 1:05 ng madaling araw sana ang alis ng nasabing flight sa Vietnam.
Hindi naman nagbigay ng detalye ang Cebu Pacific hinggil sa kung ano ang partikular na naging problema ng eroplano.
Tiniyak naman ng Cebu Pacific na binigyan nila ng hotel accommodation ang mga apektadong pasahero habang inaayos ang pagkuha ng bagong flight para sa kanila pabalik ng Maynila.
Samantala, kinansela naman ng Cebu Pacific ang dalawa nilang domestic flights sa NAIA.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority, kanselado ang DG 6111 – Manila Naga at DG 6112 Naga to Manila ng CebGo
Ito ay dahil sa masamang panahon na nararanasan sa Naga.
Ang mga apektadong pasahero ay maaring magparebook ng flight o kaya ay i-refund ang kanilang pamasahe.
Sa abiso ng PAGASA, hindi magiging maganda ang panahon sa Bicol region at makararanas ng thunderstorms ngayong maghapon