2 kasamahan ng suspek sa pamamaril sa isang pulis sa Taguig, nagpositibo sa drug test

Kuha ni Mark Makalalad

Nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga ang dalawagn kasamahan ni Alvin Alcantara na siyang bumaril sa Taguig police na si PO1 Jovy Elchico.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Senior Inspector Joy Opalec, commanding officer ng PCP 5, ito ang lumabas sa resulta ng drug test na isinagawa ng PNP-crime laboratory.

At kanilang nakumpirma na adik nga sina Joselito Nemis, alyas Tolits at Jemuel John Olmuedo.

Hindi naman natuloy ang inquest proceedings kahapon dahil kinapos na sila ng oras.

Nakatakda namang dalhin sa Taguig City Hall ang dalawa ngayong araw para sa inquest.

Sina Nemis at Olmuedo ay naaresto sa isang anti-illegal drug operation nitong linggo at nakuhanan sila ng plastic sachet na naglalaman ng shabu at drug paraphernalia.

Dahil nag-positibo sa drug test ay malaki na ang tyansa na maharap sa paglabag ng RA 9165 ang dalawa o dangerous drugs act.

Samantala, patuloy naman ang manhunt operation kay Alcantara na nahaharap sa murder dahil sa pagpatay sa pulis.

 

 

 

 

Read more...