Kumpanyang pag-aari ni Franz Pumaren, kinasuhan ng tax evasion

Sinampahan ng reklamo ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Department of Justice (DOJ) ang kumpanyang All Beat Chodvale Development Incorpoarted o All Best dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Ayon sa BIR, ang nasabing kumpanya na pag-aari ni Franz Pumaren ay may pagkakautang na buwis na aabot sa P20 milyon para sa taong 2009.

Maliban sa kumpanyang pag-aari ni Pumaren, dalawa pang kumpanya ang sinampahan ng reklamo ng BIR sa DOJ.

Aabot sa P4.2 million na halaga ng buwis ang hinahabol naman ng BIR sa Bistro Italiano para sa hindi nabayarang tax noong taong 2007.

Inireklamo rin ng tax evasion ng BIR ang kumpanyang Cebu Fiesta Island of the South Restaurant Corp., dahil sa P7.9-Million tax liability para sa taong 2008.

Ito na ang ika-41, 42 at ika-43 na mga kumpanya na ipinagharap ng reklamo ng BIR bilang bahagi ng kanilang Run After Tax Evaders o RATE program sa ilalim ng Duterte Administration.

 

 

 

 

Read more...