16 ang patay sa pagbagsak ng US military plane sa Mississipi

KXAN TV

Labinganim ang nasawi makaraang mag-crash ang isang US military plane sa southern state na Mississippi.

Ayon sa ulat ng isang local emergency official, ang labinganim na nasawi ay pawang sakay ng Marine Corpos aircraft.

Nasawi umano ang lahat ng sakay ng aircraft at wala ni-isang nakaligtas.

Kinumpirma ng US Marine Corps na nasangkot sa plane crasha ng kanilang KC-130, pero hindi na ito naglahad ng iba pang detalye sa kanilang twitter account.

Bumagsak ang eroplano sa soybean field sa Sunflower-Leflore county line.

 

 

Read more...