Tom Hanks, pararangalan dahil sa mga pelikulang tungkol sa kasaysayan ng US

Binigyang parangal ang batikang aktor na si Tom Hank ng Records of Achievement Award ng National Archives Foundation, isang non-profit organization.

Ang naturang parangal ay bilang pag-recognize sa mga ginawang pelikula ni Hanks na tungkol sa kasaysayan ng Estados Unidos. Ang mga pelikulang ito ay ang “Saving Private Ryan,” “Apollo 13,” at “Bridge of Spies.”

Ikinalugod naman ni Hanks ang parangal. Aniya, ang kanyang pagiging aktor ay hindi nalalayo sa trabaho ng mga historian dahil ipinapakita niya sa kanyang mga pelikula ang kasalukuyang human condition at ang ‘American idea,’ maging ang mga mababawa na mga kwento.

Lumabas si Hanks sa mga pelikula na base sa mga makasaysayang tao at kaganapan sa Estados Unidos tulad ng crime thriller na “Catch Me If You Can” at “Sully” na base sa naging emergency landing ng piloto na si Chesley Sullenberger sa Hudson River.

Si Hanks din ang executive producer at co-writer/director ng TV miniseries na “Band of Brothers.”

Sa October 21 magaganap ang awarding ceremony ng National Archives Foundation sa National Archives Museum sa Washington.

 

 

 

Read more...