Pinayuhan ng lokal na pamahalaan ng Marawi City ang mga residente na huwag magpadalos-dalos sa pagpapasya na magsibalik sa kanilang mga tahanan.
Ayon kay Marawi City Mayor Majul Gandamra, marami nang rresidente ang gusto nang umuwi sa kanilang mga bahay.
Gayunman, sinabi ni Gandamra na hindi pa ganap na ligtas ang sitwasyon sa lungsod.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ng alkalde na bagaman marami nang lugar ang maituturing nang ‘cleared’, hindi pa rin ligtas na umuwi ang mga residente dahil tuloy pa rin ang putukan at may mga ligaw na bala pa rin.
Payo ni Gandamra sa publiko huwag magpadalos-dalos sa pagdedesisyon at ikunsidera ang kaligtasan ng kanilang pamilya.
Nananatili din aniyang hindi normal ang sitwasyon sa lungsod at sarado pa rin ang mga business establishment.
“Sana po pag-isipian ninyong mabuti ang mga pros and cons na pwede mangyari sa kagustuhan niyong bumalik ng Marawi City. Kahit may mga area nang cleared, hindi pa rin safe kasi nariyan pa rin ang putukan,” ayon kay Gandamra.