Marcos loyalists, nag-prayer vigil sa tapat ng Korte Suprema

Kuha ni Cyrille Cupino

Nagsagawa ng prayer vigil sa tapat ng Korte Suprema ang ilang mga taga-suporta ni dating Senador Bongbong Marcos.

Daan-daang Marcos loyalist ang nagsindi ng kandila sa kahabaan ng Padre Faura sa Ermita, bilang pagpapakita ng suporta para sa dating Senador na tumakbong pangalawang pangulo sa nakaraang eleksyon.

Binuo ng mga nag-vigil ang salitang katotohanan sa pamamagitan ng kandila, at nagkalat rin ang mga tarpaulin na may nakasulat na ‘Recount’.

Pasado alas-10:00 naman ng gabi, dumating rin si Marcos sa Korte Suprema upang magpakita at makausap ang kanyang mga supporters.

Nagtirik rin ng kandila sa kalsada ang dating Senador.

Tumagal lamang ng halos 15 minuto ang inilagi ni Marcos sa naturang vigil.

Ngayong araw inaasahang gaganapin ang preliminary conference ng Supreme Court Presidential Electoral Tribunal kaugnay ng electoral protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Read more...