Ayon kay Batangas CIDG provincial officer Chief Insp. Zyrus Serrano, ang nasabing negosyante ay si Raymund Lardizabal na tubong Balibago sa bayan ng Pola sa Oriental Mindoro.
Naaresto si Lardizabal sa Baragay Maypajo sa Caloocan kahapon ng mga alagad ng batas bitbit ang isang arrest warrant kahapon.
Ani Serrano, inaresto si Lardizabal dahil sa kasong pagpatay sa isang Ramilito Garcia noon pang 2015.
Inilabas ang nasabing arrest warrant noon pang February 19, at walang piyansang inirekomenda ang korte.
Si Lardizabal ang ika-apat sa listahan ng most wanted sa bayan ng Pola.
MOST READ
LATEST STORIES