MNLF, nag-rerecruit ng mga tauhan sa Palawan-AFP WesCom

 

Inquirer file photo

Binalaan ng Western Command ng AFP ang ilang faction ng MNLF sa Palawan na itigil na ang paghahanap ng mga bagong miyembro dahil nagdudulot ito ng takot sa mga residente.

Ayon kay WESCOM spokesperson Captian Cherryl Tindog, ang ginagawang pagre-recruit ng MNLF ay ipinagbabawal sa ilalim ng peace process.

Simula pa first quarter ngayong taon ay mayroon na umanong mga natatanggap na report ang WESCOM tungkol sa paghahanap ng mga miyembro ng MNLF sa southern Palawan.

Ayon sa mga report, nangangako umano ang mga MNLF na babayaran ng dalawampung libo hanggang tatlumpung libong piso ang mga sasali sa kanilang grupo, kasama na ang pagbibigay ng ID at mga armas.

Ang sinasabing recruitment ng MNLF ay nagaganap sa mga lugar ng Aborlan, Quezon, Rizal, at Bataraza na pawang mga nasa katimugan ng Palawan, dalawang barangay sa laylayan ng Puerto Princesa, at mga hilagang bayan ng Taytay at El Nido.

Read more...