Ayon kay Lt. Col. Christopher Tampus na commander ng 1st Infantry Battalion, nalaman nila ang impormasyong ito mula sa tatlong bihag na nakatakas noong June 29.
Aniya, pawang mga bihag din ang bumabaril sa mga nagpapatrulyang sundalo sa Lake Lanao, dahil pinupwersa sila ng mga terorista na gawin ito.
Wala na aniyang magawa ang mga ito kundi sumunod na lang dahil anim na kapwa nila bihag ang binaril at pinatay sa harap nila.
Una naman nang sinabi ng mga bihag na nakatakas na sapilitan rin silang pinagnanakaw ng mga terorista sa mga bahay at establisyimento sa Marawi City, habang ang iba naman ay ginagawang sex slaves.