Ex-kagawad, patay sa pananambang sa Pasig

 

Patay ang isang dating kagawad ng barangay matapos siyang tambangan ng dalawang lalaki kahapon sa Pasig City.

Dead on the spot ang dating kagawad na si James Pua matapos siyang magtamo ng maraming tama ng bala sa katawan bunsod ng pamamaril sa kaniya ng mga suspek habang nagmamaneho ng kaniyang sasakyan.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng M. Eusebio Avenue sa harap ng Rizal Technological College, habang minamaneho niya ang kaniyang itim na Toyota Vios.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) director Chief Supt. Romulo Sapitula ang nasawi na si James Pua, kabilang sa drug watchlist ng Barangay San Miguel kung saan siya nagsilbi bilang kagawad.

Bagaman kabilang sa mga tinitingnang motibo sa pagpatay kay Pua ang kaugnayan niya sa kalakalan sa iligal na droga bilang isang umano’y pusher, inatasan pa rin ni Sapitula ang Pasig City police na imbestigahan pa rin ang insidente.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 10 basyo ng bala.

Read more...