Inanunsyo ang nasabing kasunduan matapos ang pakikipagpulong ni US President Donald Trump kay Russian President Vladimir Putin.
Ito ang kauna-unahang hakbang ng Trump administration sa pakikipagtulungan sa Russia, na isulong ang stability sa Syria.
Kasunod ito ng ilang linggo ng palihim na pakikipag-usap nila sa Jordanian capital na Amman, para aksyunan ang dumaraming pwersa ng Iran, na sumusuporta sa gobyerno ng Syria, sa mga borders ng Israel at Jordan.
Hindi naman binanggit ng tatlong bansa kung anu-ano ang mga mekanismo sa pagmomonitor nila o pagpapatupad ng tigil-putukan.
Ayon naman kay Prime Minister Benjamin Netanyahu, bukas ang Israel sa pagkakaroon ng “genuine ceasefire” sa southern Syria sa mahabang panahon.
Ito’y hangga’t hindi ito magbibigay daan para sa pagpaparami ng pwersa ng Iran sa mga borders.
Sa loob ng anim na taong giyera sa Syria, wala pang ceasefire na tuluyang nauwi sa katahimikan dahil hindi rin ito nagtatagal.