DepEd Undersecretary Francis Varela, pumanaw na

Inquirer file photo

Malungkot na ibinalita ng Department of Education ang pagpanaw ng kanilang Undersecretary for Finance and Administration na si Francis M. Varela.

Ayon sa kanilang opisyal na pahayag, nakikiramay ang buong kagawaran sa mga kaanak ni Varela na itinuturing nilang isa sa kanilang pinakamagagaling na opisyal.

Ayon naman kay DepEd Assistant Secretary Jesus Mateo, namatay ang 47-anyos na kawani ng kagawaran dahil sa isang aksidente sa Pililia, Rizal.

Isang malaking kawalan para sa kanila ang pagpanaw ni Varela na kilala bilang isang maprinsipyong tao at isa sa mga masugid na nagsusulong ng paglaban sa kurapsyon sa kanilang kagawaran habang nagsisilbi rito sa nagdaang limang taon.

Read more...