Dela Rosa, paiimbestigahan ang pagkamatay ng ikatlong ‘person of interest’ sa Bulacan massacre

Nais ni Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa na magkaroon nang mas malalim na imbestigasyon kaugnay sa tinaguriang “Bulacan Massacre”

Ito’y makaraang mapabalita na patay na ang isa pang “person of interest” o taong itinuturong may kaugnayan sa pagpatay sa pamilya ni Dexter Carlos Sr. sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Dela Rosa, aatasan nya ang Bulacan Police na alamin ang puno’t dulo ng nangyari pa

Sabado ng umaga ay kinumpirma ng isang kamag-anak ng person of interest na si Anthony Garcia, alyas “Tony,” na patay na ito.

Dinukot si Garcia sa bahay ng lolo niya sa Bulacan noong Biyernes ng madaling araw. Ang insidente ng pagdukot ay kinumpirma rin ni Superintendent Fitz Macariola, hepe ng pulisya sa San Jose del Monte.

Unang napatay sa mga “persons of interest” si Rolando Pacinos, alyas “Inggo” na nakitang may nakalagay pang karatula, kung saan may nakasulat na “addict at rapist huwag tularan.”

Pangalawa ang bangkay ni Rosevelth Sorima, alyas “Ponga” na pinagbabaril sa loob ng kanilang bahay kamakalawa.

Habang ang isa pang nabanggit ni Carmelino Ibanez alyas “Miling” na si Alvin Mabesa ay hindi pa rin alam kung nasaan matapos dukutin ng ilang kalalakihan na sakay ng puting van na walang plate number.

Read more...