Acrobat, patay matapos mahulog sa gitna ng isang dance routine sa Madrid music festival

Patay ang isang acrobat makaraang mahulog habang nagsasagawa ng performance sa isang festival sa Madrid, Spain.

Mula sa taas na 30 meters o 100 feet, nahulog ang Spanish artist na si Pedro Aunion Monroy sa kalagitnaan ng kanyang dance routine sa Mad Cool event sa Madrid, gabi ng Biyernes.

Kinumpirma mismo ng kanyang kapatid na si Estefi Chaje ang pagpanaw ni Monroy.

Matapos ang aksidente, naglabas ng pahayag ang organizers ng 3-day music festival kung saan nakasaad na itutuloy pa rin ang event sa kabila ng pangyayari.

Dahil dito, marami ang nagpahayag ng galit at pagkadismaya sa nasabing desisyon ng organizers.

Tampok din sa music festival ang bandang Green Day, kung saan natuloy pa rin ang kanilang performance sa kabila ng aksidente.

Sinabi ng banda na wala silang kaalam-alam sa nangyaring aksidente kung kaya itinuloy pa rin nila ang kanilang performance.

Read more...