Itinalaga siya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang posisyon nuong nakaraang araw ng Miyerkules base sa ulat ni Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar.
Si Santiago na dati ring nagsilbi bilang Chief of staff ng Armed Forces of the Philippines ay papalit kay Benjamin Reyes na sinibak sa posisyon dahil sa paglalahad ng mga hindi magkakatugmang estadistika ng mga gumagamit ng droga.
Batay sa profile na nakapaskil sa website ng Philippine Constitution Association, si Santiago ay nanungkulan bilang PDEA chiefsimula nuong 2006 hanggang 2010.
Naging Bureau of Corrections director mula 2003 hanggang 2004, Philippine Army commanding general mula Marso hanggang November 2002, Central Command Visayas commanding general mula July 2001 hanggang March 2002 at Commanding General ng Special Operations Command mula 1999 hanggang 2001.