Sa inihaing House Resolution1113, inapela ni Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas na humahantong ang ilang operasyon ng militar sa paglabag sa karapatang-pantao at paglikas ng mahigit 1,600 Moro at 260 pamilya simula nang ideklara ng batas militar sa Mindanao.
Ani Brosas, mayroong nangyayaring airstrikes at pagsunog sa ilang kabahayan ang miyembro ng 39th at 72nd Infantry Battalion ng Philippine Army sa North Cotabato at Bukidnon kahit na hindi kumpirmado ang presenya ng Maute group sa lugar.
Apektado aniya nito ang Barangay Salat at Tuael sa President Roxas, North Cotabato at Barangay Tangkulan at Anggaan sa Damulog, Bukidnon.
Ayon pa sa kongresista, ito ay base sa mga natanggap na ulat ng grupo mula sa mga residente kung kaya’t humihingi rin ng agarang tulong ang mga ito.
Dagdag pa nito, hindi dapat mapigilan ang naging desiyon ng Korte Suprema sa batas militar ang gagawing imbestigasyon sa Kamara.
Ipagpaptuloy rin aniya ng grupo ang pagbibigay ng ulat mula sa mga komindad sa lahat ng posibleng paraan.