10 political prisoners, binigyan ng pardon ni Duterte

Binigyan ng pardon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sampung political prisoner kabilang ng isang peace consultant of the National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ang mga nabigyan ng pardon ay sina NDFP peace consultant Emiterio Antalan, Joel Ramada, Apolonio Barado, Jose Navarro, Generoso Rolida, Arnulfo Boates, Manolito Patricio, Barigueco Calara, Sonny Marbella at Ricardo Solangon.

Ang pagpapalaya sa mga nasabing political prisoners na naka-detain sa New Bilibid Prison ay bahagi nang naging pangako ni Duterte para sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan sa komunistang grupo.

Una nang binanggit ng pangulo sa kanyang mga talumpati na siya ay magbibigay ng amnestiya at pardon sa mga political prisoners lalo na yung mga may sakit at matatanda.

Ayon kay Karapatan Secretary General Cristina Palabay, isa itong magandang balita para sa mga pamilya, mga kaibigan at mga taga suporta ng mga ito.

Sinabi naman ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate na magdudulot ng magandang epekto ang naturang pagpapalaya sa pagpapatuloy ng usapang pangkapayapaan.

Umaasa si Zarate na masusundan pa ito ng pagpapalaya ng iba pang mga political prisoners.

Read more...