Pamilya ng pinatay na person of interest sa massacre case natatakot na may isusunod pa sa kanila

Bukod sa labis na paghihinagpis, matinding takot para sa kanilang buhay ang nararamdaman ngayon ng pamilya ni Rosevelt Sorima, alyas Ponga, isa sa dalawang pinatay na person of interest sa San Jose del Monte massacre.

Ayon kay Alyana, kapatid ni Ponga, may mga hindi nakilalang lalaki ang nagpunta na sa pinagtatrabahuhan ng kanilang tatay at pinagtatanong tanong ito sa mga katrabaho.

Binanggit nitong muli na bago pinatay ang kanyang kapatid ay naikuwento nito na may narinig siya na uubusin ang kanilang pamilya.

Narito ang ulat ni Jan Escosio:

Read more...