8 katao nawawala sa pagguho ng residential building sa Naples, Italy

Corriere News

Dalawang pamilya ang pinangangambahang na-trap sa gumuhong residential building sa Naples, Italy.

Ayon sa report ng Associated Press, ang residential building na mayroong apat hanggang limang palapag ay gumuho sa bayan ng Torre Annunziata.

Sa inisyal na ulat, limang katao ang pinangangambahang na-trap sa gumuhong gusali.

Pero ayon sa mga rumespondeng bumbero, walong katao na mula sa dalawang pamilya ang nawawala.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng pagguho ng gusali na halos magkadurog-durog ang bahagi.

 

 

 

 

 

Read more...