Nananatiling operational ang mga korte sa Leyte makaraang tumama ang 6.5 magnitude na lindol doon kahapon.
Ayon kay Court Administrator Jose Midas Marquez, inatasan nya ang mga executive judge sa Leyte na magsagawa ng assessment sa mga halls of justice na kanilang nasasakupan.
Base sa isinagawang inisyal na pag-iinspeksyon, maaring ituloy ang operasyon ng mga korte sa Leyte.
Maayos naman aniya at walang naitalang pinsala ang mga regional trial court sa lungsod ng Tacloban.
Wala rin daw naitalang pinsala sa mga tanggapan at court houses ng Municipal Circuit Trial Court sa bayan ng Kananga, bagamat wala ruong kuryente at nagbagsakan din ang ilang computer at estante nang maganap ang lindol.
Operational din maging ang mga hukuman sa lungsod ng Ormoc at maayos din ang sitwasyon sa Hall of Justice ng Laoang sa Northern Samar dahil malayo naman ito sa Jaro Leyte na sentro ng lindol.