Motion for reconsideration sa desisyon ukol sa martial law, ihahain sa SC

 

Nakatakdang maghain ng Motion for Reconsideration sa Supreme Court ang Magnificent 7 sa Kamara may kaugnayan sa naging pasya nito sa martial law declaration ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, matapos nilang basahin at pag-aralan ang majority decision ay kinakitaan nila ito ng mga serious errors.

Sinabi ni Lagman na hindi binigyang-bigat ng Supreme Court ang itinatadhana ng Section 18 ng Article VII ng Constitution na kapangyarihan nito na pag-aralan kung sapat ba ang factual basis para sa deklarasyon ng martial law at suspensyon ng privilege of the writ of the habeas corpus.

Sa naging desisyon ng mayorya ng mga mahistrado ng Supreme Court sinabi ni Lagman na ipinaubaya ng mga ito sa pangulo ang pagdedeklara ng batas military dahil ito raw ang may mga intelligence information para sa deklarasyon nito.

Ang pasya anya ng SC ay nagsasarado ng pintuan upang pag-aralan nito ang factual basis ng martial law declaration.

Nakasaad din anya sa desisyon na ipinauubaya nito sa pangulo ang pagpapasya kung palalawakin sa ibang lugar.

Dagdag pa ni Lagman, lalamanin din ng kanilang mosyon ang iba pang mga pagkakamali sa pasya ng SC sa martial law declaration ng pangulo.

Read more...